^

Bansa

Mas malupit na giyera vs droga!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Mas malupit na giyera vs droga!
Siniguro rin ng Pa­ngulo na ang paniba­gong giyera laban sa illegal drugs na kanyang idineklara ay mas magi­ging marahas at posibleng maging madugo.

MANILA, Philippines — Nagdeklara ng panibagong war on drugs si Pangulong Duterte pero sa pagkakataong ito ay laban sa Sinaloa drug cartel ng Mexico, Chinese triad at ang ka­sabwat nitong mga Pinoy.

Siniguro rin ng Pa­ngulo na ang paniba­gong giyera laban sa illegal drugs na kanyang idineklara ay mas magi­ging marahas at posibleng maging madugo.

“I am declaring war, I am not declaring a punitive police action. I will be harsher in the days to come. I will not allow my country to end up a failed state because of drugs,” wika ni Pangulong Duterte kahapon.

Idinagdag pa ng Pa­ngulo, nais niyang tapusin ang illegal drug problem sa bansa sa nalalabi niyang 3 taong termino.

“I will kill anybody who stands my way. Mexicans or Chinese or Filipinos, If you continue to feed drugs to our children, talagang maabutan kayo. I’m ready for hell,” dagdag pa ni Duterte.

Kinumpirma rin ng Pangulo ang mga nakukuhang mga ‘floating cocaine packages’ kamakailan sa karagatan ng Quezon at Bicol ay nagmula sa Sinaloa drug cartel.

“I’m not speculating on my competence and ability, far from it. No one can solve it in due time pero gusto ko talagang tapusin to sa panahon ko,” giit pa ng Pangulo.

Binanggit din ng Pa­ngulo ang naging warning noon kay former DILG Sec. Rafael Alunan ng US-DEA na baka maging narco-state ang Pilipinas dahil sa ginagawa itong bagsakan ng illegal drugs.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with