^

Bansa

Universal Healthcare pirmado na ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Universal Healthcare  pirmado na ni Digong
Inaasahan din sa pamamagitan ng Universal Health Care Act ay magbabago at mapapahusay ang health care system sa bansa para matiyak na bawat Filipino ay magkaroon ng malusog na pamumuhay.

MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ni Pangulong Duterte ang ceremonial signing ng Universal Healthcare Act.

Sa ilalim ng bagong batas, lahat ng mga Filipino ay awtomatikong enrolled sa National Health Insurance Program, kung saan ang magi­ging miyembro ay nahati sa dalawang kategorya: ang contibutory para sa mga  may kakayahang magbayad ng health premiums at  non-contributory para sa mga senior citizens at maralita.

Inaasahan din sa pamamagitan ng Universal Health Care Act ay magbabago at mapapahusay ang health care system sa bansa para matiyak na bawat Filipino  ay magkaroon ng  malusog na pamumuhay.

Kabilang sa dumalo sa ceremonial signing sina dating Congressman at dating Presidential Spokesperson Harry Roque na siyang author ng panukalang batas sa Kamara at Sen. JV Ejercito na siya namang nagsulong sa Senado.

Sa ilalim ng UHC ay maglalaan ang gobyerno ng pondo para sa medical emergency, hospital admission at lahat ng medical routines na nakatutok sa pagpapagamot at rehabilitasyon.

Isinabay na rin sa aktibidad ng Pangulo ang  presentasyon ng Social Security Act of 2018, Phi­lippine Sports Training Center Act, An Act for the Reappropriation of the Province of Southern Leyte in two Legislative Districts, New Central Bank Act at turn-over ng Dividends ng Bangko Sentral ng  Pilipinas.

vuukle comment

UNIVERSAL HEALTHCARE ACT.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with