^

Bansa

Student activists tanggalan ng scholarships - NYC

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Student activists tanggalan ng scholarships - NYC
Nanawagan si NYC Chair Ronald Cardema kay Pangulong Duterte na magpalabas ng exe­cutive order upang bawiin ang scholarships ng mga umano’y “anti-government scholars” na sumasali sa anti-government rallies at sumasapi sa mga left-leaning group na sinasabing kaalyado ng CPP-NPA.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Hiniling ni National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema kay Pangulong Duterte na tanggalan ng scholarships ang mga estudyanteng aktibista na sumasali sa anti-government rallies at protest actions.

Nanawagan si NYC Chair Ronald Cardema kay Pangulong Duterte na magpalabas ng exe­cutive order upang bawiin ang scholarships ng mga umano’y “anti-government scholars” na sumasali sa anti-government rallies at sumasapi sa mga left-leaning group na sinasabing kaalyado ng CPP-NPA.

“Nilalabanan niyo ang ating mga pulis, ang ating mga sundalo and nilalabanan niyo at gusto niyong ipabagsak ang ating gobyerno at kayo ay government scholars,” sabi ni Cardema.

Agad namang kinontra ng Malacañang ang panukala ni Cardema dahil ginagarantiyahan ng Konstitusyon ang karapatan ng sinuman para sa peaceful assembly at freedom of expression kaya hindi anya batayan ito upang tanggalan ng scholarships ang mga kabataang estudyante dahil lamang sa pagsali sa mga rally at protesta.

“Mere membership alone would not suffice. You have to show evidence that one, you joined because you want to fight the government,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Nilinaw ni Panelo na mawawala lamang ang scholarships ng mga kabataang estudyante na ito kapag mayroong matibay na ebidensiya na kasama sila sa grupong nagnanais pabagsakin ang pamahalaan.

Para kay Panelo, ang suhestiyon na ito ni Cardema ay maituturing na babala sa mga mag-aaral para mag-focus sa kanilang pag-aaral.

Umani naman ng pagbatikos ang panukalang ito ni Cardema bunsod para hilingin ng ilang mambabatas na sibakin ng Pangulo ang NYC chair.

vuukle comment

RONALD CARDEMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with