^

Bansa

Mandatory ROTC sumalang na sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mandatory ROTC  sumalang na sa Senado
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, lumilitaw sa survey ng Pulse Asia na kanilang kinomisyon noong Disyembre 2018 na 80 porsiyento ng mga respondents ay pabor na ibalik ang ROTC.

MANILA, Philippines —  Isinalang na sa deliberasyon ng Senado ang panukalang buhayin ang Reserve Officer’s Training Corps (ROTC) program para sa lahat ng estudyante sa Grade 11 at Grade 12.

Limang panukalang batas ang nakabinbin sa Senado na nagsusulong na ibalik ang mandatory military at civic training ng mga mag-aaral.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, lumilitaw sa survey ng Pulse Asia na kanilang kinomisyon noong Disyembre 2018 na 80 porsiyento ng mga respondents ay pabor na ibalik ang ROTC.

Naniniwala aniya ang mga respondents na makakatulong ang ROTC training sa character building at pag-develop sa disiplina ng mga kabataan.

Simula umano ng tanggalin ang ROTC, maraming mga kabataan ang nadawit sa krimen.

Sinabi naman ni Sen. Manny Pacquiao, isa sa may akda ng panukala, na ang Pilipinas ay nahaharap sa mga non-traditional threat gaya ng climate change na dapat pinaghahandaan lalo na ng mga kabataan. 

Kailangan aniyang turuan ang mga kabataan lalo na sa disaster preparedness.

Mahalaga rin aniya ang training para magkaroon ng disiplina at nationalism ang mga kabataan.

vuukle comment

RESERVE OFFICER’S TRAINING CORPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with