Sinisita ng isang gwardya ang mga may dalang tubig at kahalintulad na likido sa entrance ng MRT North Avenue station.
Sinisita ng isang gwardya ang mga may dalang tubig at kahalintulad na likido sa entrance ng MRT North Avenue station.
The STAR/Michael Varcas, File photo
Likidong lagpas sa 100 ml papayagan na uli sa MRT
James Relativo (philstar.com) - February 20, 2019 - 10:16am

MANILA, Philippines — Inabisuhan ng pamunuan ng Department of Transportation-Manila Metro Rail Transit System Line 3 ang publiko na maaari na muling magpasok ng liquid items sa tren na higit sa 100 milliliters.

Gayunpaman, kinakailangan pa rin daw itong i-test sa harap ng kanilang security personnel para beripikahin. 

Para sa items tulad ng tubig, oobligahin ang mga pasaherong uminom mula rito bago papasukin. Para sa mga pabango, kailangan itong i-spray sa katawan. Kailangan namang ipahid sa balat ang mga rubbing alcohol at lotion.

Pinaalalahanan din nila ang commuters na kunin mula sa Station Control Room ng istasyon ang mga nauna nilang nakumpiskang liquid items.

Mangyaring magpakita lang ng daw identification card sa kanilang station supervisor upang makuha ng mga nasabat na likido.

Ipinababatid naman nila sa lahat ng itatapon ang mga liquid items na nakumpiska kung lalagpas ng 14 araw.

Ipinatupad ang liquid ban sa mga istasyon ng MRT-3 at lines 1 and 2 ng Manila Light Rail Transit System matapos ang nangyaring pagsabog sa isang simbahan sa Jolo, Sulu bunsod ng pangamba sa seguridad.

Aniya, maaari kasing ihalo ang nitroglycerin sa mga likido, na maaaring gamitin para gumawa ng bomba.

LIQUID BAN MRT RAILWAYS SECURITY THREATS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with