Sa ilalim ng Republic Act 11202 o Mobile Number Portability Act, hindi na kailangang magpalit pa ng kanyang mobile number portability (MNP) ang isang consumer kahit magpasyang lumipat ito ng mobile company.
AFP
Lifetime cellphone number batas na!
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pa­ngulong Duterte ang panukalang batas para sa pagkakaroon ng permanenteng mobile number ng isang consumer.

Sa ilalim ng Republic Act 11202 o Mobile Number Portability Act, hindi na kailangang magpalit pa ng kanyang mobile number portability (MNP) ang isang consumer kahit magpasyang lumipat ito ng mobile company.

Sa ilalim ng batas, maaari na ring lumipat ang mga subscriber sa kanilang mapipiling subscription o mula sa postpaid papuntang prepaid o kaya mula sa prepaid patungo sa postpaid nang hindi na kinakaila­ngang magpalit din ng mobile number.

Bibigyan ng kalayaan na pumili ng kanyang magiging service provider ang isang consumer pero gagamitin pa rin ang kanyang MNP.

Nakasaad pa sa lifetime cellphone act, kailangan lamang irehistro sa telecommunication company na kanyang napili ang kanilang MNP.

Nakasaad din sa ni­lag­­daang batas na pagmumultahin hanggang P1 milyon at revocation ng prangkisa ang isang telecom kapag inipit ang benepisyo ng MNP sa isang subscriber sa loob ng 24 oras matapos kumpletuhin nito ang kanyang aplikasyon.

MOBILE NUMBER PORTABILITY ACT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with