Ang pahayag ay ginawa ni Locsin makaraang isang netizen ang nagtanong sa kanya kung kailangan pa ba ang birth certificate sa passport renewal.
Teddy Boy Locsin Facebook
Hihingi ng birth certificate sa passport renewal ‘papatayin’ ko – Locsin
Lordeth Bonilla (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagbantaan kahapon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro “Tedy Boy” Locsin Jr. na papatayin nito ang sinuman sa kanyang mga tauhan na hihingi ng birth certificate para sa renewal ng passport.

Ang pahayag ay ginawa ni Locsin makaraang isang netizen ang nagtanong sa kanya kung kailangan pa ba ang birth certificate sa passport renewal.

“Sir @teddyboylocsin kailangan pa rin po ba ng birth certificate pag nag pa-renew ng passport? Salamat po,” ang tweet ni Jossa Banting, isang netizen.

“Hindi. P…….. Not for passport renewal. If anyone asks you, tell me who and I will f…… kill him/her,” ito naman ang tweet ni Locsin sa naturang netizen.

Sa bisa ng  Department Order (DO) 03-2019, nitong nakalipas na buwan ay tinanggal ni Locsin ang birth certificate requirement para sa passport renewal.

Nilinaw naman ng DFA, na ang nasabing department order ay para sa mga passport renewal at hindi kasama ang mga bagong aplikante sa pagkuha ng bagong pasaporte, renewal ng nawala o nasi­rang pasaporte, renewal na nangangaila­ngan ng pagdaragdag ng impormasyon sa pasaporte, renewal ng mga berde at brown passport na walang kumpletong middle name at mga aplikanteng magre-renew na nabibilang sa watchlist ng DFA.

Matatandaan na nitong Enero ng taong kasalukuyan  ay tinanggal ni Locsin ang requirement na birth certificate sa renewal ng green, brown at maroon na machine-readable passport na naisyu noong 2009.

Ang hakbang ng Kalihim ay nag-ugat nang gawing “inacessible” ang passport data ng Kagawaran noong Ene­ro nang tinanggal na kontratista.

“That f…… birth certificate requirement is out because it was an idiotic requirement according to top retired DFA officials”, sabi pa ni Locsin sa naunang tweet. 

TEODORO “TEDY BOY” LOCSIN JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with