Saku-sakong bigas ang nakaimbak ngayon sa NFA warehouse sa Quezon City hindi para ibenta kundi para magsilbing buffer stock sa panahon ng kalamidad o emergency.
Michael Varcas
Sibakan sa NHA namumuro
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Manganganib na mawalan ng trabaho ang maraming empleyado ng National Food Authority sa implementasyon ng Rice Tariffication Law.

Ayon kay NFA Administrator Tomas Escarez, tiyak na bababa ang bilang ng mga tauhan ng NHA dahil nakasaad sa natu­rang batas na aalisin na sa ahensya ang kapangyarihan na makapag-angkat at mag-distribute ng bigas.

Kapag nangyari ito, tanging ang trabaho na lamang ng NFA ay ang bumili ng palay sa mga magsasaka para matiyak na mayroong imbak na bigas ang pamahalaan.

Noong Lunes ay ipinakita ng mga tauhan ng NFA sa Korte Suprema ang kanilang galit at pagtutol sa naturang batas na anila’y papatay sa kanilang hanapbuhay.

Mas nanlumo ang mga tauhan ng NFA nang ihayag ng pamahalaan na may matatanggap na compensation package ang mga empleyado ng ahensiya na maapektuhan ng naturang batas.

Kaugnay nito, hiniling ng Malacañang sa taumbayan na bigyan ng pagkakataon ang Rice Tariffication Law at huwag munang husgahan.

Sinabi ni Finance Asec. Tony Lambino, kung tutuusin atrasado na ang nasabing batas at matagal na sana itong naipasa para maging competitive ang mga local farmers sa mga magsasaka sa Thailand, Vietnam at iba pang karatig-bansa.

Ayon kay Lambino, bukod sa pagbaba ng presyo ng bigas na pakikinabangan ng mahigit 100 milyong Pilipino ay mabibigyan din ng suporta ang mga magsasaka sa bansa mula sa makokolek­tang taripa sa importasyon ng bigas.

Gagamitin ang P10 bilyong rice fund para sa loan assistance, mechani­zation, research at insu­rance ng mga magsasaka para mapataas ang kanilang produksyon. (Rudy Andal)

NATIONAL FOOD AUTHORITY RICE TARIFFICATION LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with