Ito ay dahil sa patuloy na pagkabigo ng Sanofi Pasteur, ang kumpanyang tagagawa ng Dengvaxia, na magsumite ng post-approval commitment.
File Photo
Dengvaxia ‘ban’ na sa Pinas
Patricia Viray (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Permanente nang pinawalambisa kahapon ng Food and Drug Administration ang certificate of product registration ng kontrobersiyal na Dengvaxia na isang klase ng bakuna laban sa dengue.

Ito ay dahil sa patuloy na pagkabigo ng Sanofi Pasteur, ang kumpanyang tagagawa ng Dengvaxia, na magsumite ng post-approval commitment.

Bukod dito, ayon kay FDA Director General Nela Charade Puno, tahasang binalewala ng Sanofi ang mga patakaran at regulasyon ng pamahalaan.

Pinuna pa ni Puno ang tahasang pagsuway ng naturang kumpanya sa mga direktiba ng FDA at pagkabigo nitong tu­malima.

“Kaya wala kaming ibang magagawa kundi ipawalambisa ang CPR ng Dengvaxia product,” paliwanag pa niya.

Naging kontrobersiyal ang Dengvaxia dahil sa mga kaso ng mga batang mag-aaral na namatay umano makaraang maturukan ng naturang bakuna.

Kaugnay ng desisyon ng FDA, ipinagbabawal na sa Sanofi ang importasyon, pagbebenta o pamamahagi ng Dengvaxia.

Naunang sinuspinde ni Health Secretary Francisco Duque III ang dengue vaccination program noong Disyembre 2017 makaraang aminin ng Sanofi na ang Dengvaxia ay maaaring magdulot ng sakit na dengue kapag ang naturukan nito ay hindi pa dinadapuan ng ganitong sakit.

DENGVAXIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with