^

Bansa

Mawawalan ng trabaho may perang makukuha sa SSS

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mawawalan ng trabaho may perang makukuha sa SSS
Ito ang nakapaloob sa bagong batas o Social Security Act of 2019 na nilagdaaan ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Sa loob ng dalawang buwan, makakakuha ng pinansiyal na tulong mula sa Social Security System (SSS) ang mga mawawalan ng trabaho.

Ito ang nakapaloob sa bagong batas o Social Security Act of 2019 na nilagdaaan ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo.

Ayon kay Sen. Richard Gordon, awtor ng panukala sa Senado, maaaring makakuha ng nasa P10,000 kada buwan ang isang miyembro ng SSS na nagbabayad sa ilalim ng “maximum salary credit.”

“For the first time in the country’s history, meron na ngayong unemployment insurance. It will start with two months, at least meron kang P10,000 a month if you had been paying contributions under the maximum salary credit. For two months, makakapaghanap ka ng trabaho,” sabi ni Gordon.

Ang sinumang mawawalan ng trabaho na mi­yembro ng SSS ay maaaring mag-aplay para sa unemployment assistance upang magamit nila ang pera habang naghahanap ng panibagong trabaho.

Sa Section 14-B ng RA 11199, ang isang SSS member na nawalan ng trabaho ay maaring mag-claim ng unemployment benefit na katumbas ng 50 porsiyento ng kaniyang average monthly salary credit sa loob ng dalawang buwan.

Ang miyembro ay hindi dapat lalampas ng 60 taong gulang at dapat ay nakapagbayad ng nasa 36 buwanang kontribusyon.

Ang isang miyembro ay maaring mag-claim ng unemployment benefits isang beses tuwing ikatlong taon.

vuukle comment

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with