Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom) Chief Major Gen. Felimon Santos Jr., patuloy ang recruitment ng NPA sa sektor ng mga estudyante.
Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom) Chief Major Gen. Felimon Santos Jr., patuloy ang recruitment ng NPA sa sektor ng mga estudyante.
Ex-Ateneo student lider na ng NPA
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinunyag kaha­pon ng isang mataas na opis­yal ng Armed Forces of the Philippines na isang dating estudyante ng Ateneo de Davao ang isa sa mga tumatayong lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Northeastern Mindanao.

 Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command (AFP-Eastmincom) Chief Major Gen. Felimon Santos Jr., patuloy ang recruitment ng NPA sa sektor ng mga estudyante.

Sinabi ng heneral na, sa kasalukuyan, ang dating estudyante ng Ateneo de Davao na si Alvin Luque na may ilang taon nang nawawala ay natuklasang na-recruit ng NPA  at isa na sa mga lider ng NPA sa Northeastern Mindanao.

Tinukoy rin ni Santos na ilan pa sa mga estudyanteng nalinlang ng NPA ay sina Ryan Edpan Cagula, estud­yante ng UP Mindanao na sumapi sa NPA at napatay sa engkuwentro sa Maasim, Sarangani noong Nobyembre 4, 2014.

 Ang isa pa na si Prince Wendel Olorfenes na responsable sa pag-atake sa himpilan ng Mati Police noong Pebrero 14, 2015 ay isa ring estudyante ng University of Mindanao nang ma-recruit ng te­roristang grupo.

Kasabay nito, na­nawagan naman si Santos sa mga magulang at mga opisyal ng mga kolehiyo at unibersidad ng mga kabataang estudyante na banta­yang mabuti ang mga ito “upang hindi malinlang ng komunistang grupo.”

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with