Hihintayin muna niyang mabuo ang implementing rules and regulations at pagkatapos ng 15-araw at kapag na-publish na sa mga pahayagan ang batas ay saka siya maghahain ng panukala sa Kamara para bawiin ang pagkakapasa nito.
Michael Varcas
Rice tariffication law ipapabawi
Malou Escudero, Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siniguro ni Anakpawis Party-list Representative Ariel Casilao na ipapabasura niya ang  Rice Tariffication Law na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes.

 Hihintayin muna niyang mabuo ang implementing rules and regulations at pagkatapos ng 15-araw at kapag na-publish na sa mga pahayagan ang batas ay saka siya maghahain ng panukala sa Kamara para bawiin ang pagkakapasa nito.

 Hindi rin umano maitataguyod ang food security sa ganitong paraan kundi maaaring magsilbing banta sa soberenya ng bansa dahil umaasa lang sa angkat na bigas.

Para naman kay Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate na maihahalintulad sa isang death warrant ang bagong batas kung saan babahain ng imported na bigas ang local market na tanging dayuhang suppliers lang ang magiging masaya.

Hindi naman naniniwala ang Malacañang na magkakaroon ng masamang epekto sa mga magsasaka ang Rice Tariffication Law dahil ang apektado umano nito ay ang mga middlemen na nagiging dahilan para tumaas ang presyo ng bigas.

“Actually sa tingin ko lang ha, iyong reklamo ng mga farmers mukhang hindi naman iyong mga farmers mismo eh. Mukhang iyong mga middlemen ang mga nagrereklamo eh, parang sila talaga ang kumikita eh, iyong mga farmers hindi eh,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Idinagdag ni Panelo na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang tumiyak na may mga safeguards ang batas para mabigyan ng proteksiyon ang mga magsasaka kabilang ang P10 bilyong halaga ng pondo.

RICE TARIFFICATION LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with