Base sa ulat ng pulisya, ang bloke ng nasabing malapulbos na sangkap ay narekober mula sa baybayin ng Barangay Bagumbayan sa Paracle dakong alas-7 ng gabi noong Sabado.
Base sa ulat ng pulisya, ang bloke ng nasabing malapulbos na sangkap ay narekober mula sa baybayin ng Barangay Bagumbayan sa Paracle dakong alas-7 ng gabi noong Sabado.
P5.2-M cocaine pa nasabat sa dagat
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Panibagong bloke na naman ng cocaine na tinatayang nagkakahalaga ng P5.2 milyon ang nasabat ng mga otoridad sa baybayin ng Paracle sa Camarines Norte.

Base sa ulat ng pulisya, ang bloke ng nasabing malapulbos na sangkap ay narekober mula sa baybayin ng Barangay Bagumbayan sa Paracle dakong alas-7 ng gabi noong Sabado.

Alas-?10:40 na kahapon ng umaga ng makatanggap ng sumbong ang PNP PRO-Region 5 na may nadiskubreng bloke ng cocaine ang isang Norlyn Ludiana, 46 anyos, sa nasabing lugar.

Nakabalot umano ang nasabing bloke sa isang brown na duct tape na may nakasulat na “Lexus” at ng kanya itong buksan ay nakita ang malapulbos na sangkap.

Samantala, kinumpir­ma naman ng Regional crime laboratory na ang nasabing sangkap ay cocaine na may timbang na 989.23 grams at may estimated value na P5.2 milyon.

Magugunita na noong nakaraang linggo ay naka-recover din ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng kabuuang 77 bloke ng cocaine sa baybayin ng Siargao islands at Dinagat islands sa Caraga region.

Nauna na rin naka­rekober ang mga otoridad ng tinatayang P5.4 mil­yong halaga ng cocaine sa baybayin naman ng Vinzon na katabing bayan ng Paracale sa Camarines Norte.

Naniniwala naman si PDEA Director General Aaron Aquino na nilalag­lag ng sindikato ng droga ang mga cocaine sa da­gat para malihis ang atensyon ng mga otoridad at makapagpasok ng mas malaking kontrabando sa bansa.

DINAGAT ISLANDS PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with