^

Bansa

Enrile nagbabala sa epekto ng Rice Tariffication Law

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Enrile nagbabala sa epekto  ng Rice Tariffication Law
Ginawa ni Enrile ang babala matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang batas na magpapatupad sa rice tariffication upang tanggalin ang mga limitasyon sa pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Nagbabala si dating Senate president Juan Ponce Enrile sa “over supply” ng bigas na maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa mga magsasaka dahil sa Rice Tariffication Law.

Ginawa ni Enrile ang babala matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang batas na magpapatupad sa rice tariffication upang tanggalin ang mga limitasyon sa pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.

Sa pagtanggal ng mga restriksyon, hindi na maaaring ikontrol ng National Food Authority (NFA) ang pag-angkat ng bigas.

Itinakda ang taripa sa 35 porsyento para sa bigas na inaangkat mula sa bansa sa ASEAN habang 50 porsyento naman para sa non-ASEAN countries.

Sa ilalim ng batas, ang kita mula sa mga taripa ay mapupunta sa isang Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF na may nakatakdang pondo na P10 bilyon upang maprotektahan ang mga magsasaka.

Sinabi ni Enrile na kapag pinapasok ang sobra-sobrang bigas mula sa labas ng bansa, apektado ang kabuhayan ng mga magsasaka.

vuukle comment

JUAN PONCE ENRILE

RICE TARIFFICATION LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with