^

Bansa

‘Areas of concern’ sa MM ‘wag ikabahala - NCRPO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
�Areas of concern� sa MM  �wag ikabahala - NCRPO
Kabilang sa mga areas of concern na tinukoy ng NCRPO ang mga lungsod ng Mandaluyong, Caloocan, Maynila, Pasay at Malabon.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Walang dapat ipag-alala ang publiko sa idineklara nilang limang lungsod sa Metro Manila na “areas of concern” ngayong darating na eleksyon dahil wala namang nakikitang posibleng insidente ng karahasan na sisiklab ang National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Kabilang sa mga areas of concern na tinukoy ng NCRPO ang mga lungsod ng Mandaluyong, Caloocan, Maynila, Pasay at Malabon.

Nilinaw ni NCRPO chief, P/Director Guillermo Eleazar na hindi dahil areas of concern ang mga naturang lugar ay inaasahan na may karahasan na sisiklab. Ang naturang mga lungsod ay nakapaloob sa areas of concern dahil lamang sa mga nai-record na karahasan sa mga nakaraang halalan kaya kailangang bantayan ang mga ito.

Matatandaan na naging mahigpit ang labanan sa eleksyon sa Caloocan noong 2013 at 2016 at naging sunud-sunod ang pamamaslang sa mga opisyal ng mga barangay matapos ang halalan.

Ipinaliwanag ng NCRPO na nahahati sa tatlo ang kategorya ng election hotspots. Ito ay ang “yellow level” na “election areas of concern”, “orange” para sa “election hotspot of immediate concern”, at “red” para sa “election areas of grave concern”.

Nakapaloob lamang ang Caloocan at ang apat pang ibang lungsod sa “yellow status” na siyang pinakamababa sa mga kategorya.

vuukle comment

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with