Ayon kay Philippine Army’s 202nd Infantry Brigade (IB) Commander Brig. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., ito ang lumilitaw sa imbestigasyon matapos na matukoy ang pagkakakilanlan sa nasawing rebelde na si John Carlo Capistrano Alberto.
File Photo
Napatay na NPA rebel, estudyante ng UPLB
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang estudyante ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB) ang napaslang na miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa naganap na engkuwentro sa Luisiana, Laguna noong Pebrero 14.

Ayon kay Philippine Army’s 202nd Infantry Brigade (IB) Commander Brig. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., ito ang lumilitaw sa imbestigasyon matapos na matukoy ang pagkakakilanlan sa nasawing rebelde na si John Carlo Capistrano Alberto.

Sinabi ni Burgos na si Alberto ay undergraduate sa kursong Veterinary Medicine sa UPLB matapos itong mamundok at sumapi sa kilusang komunista.

Si Alberto rin ang tumatayong vice chairman ng Anakbayan-UPLB at chairperson ng UPLB College of Veterinary.

Noong Pebrero 14, Valentine’s Day ay nakabakbakan ng tropa ng Army’s 80th Infantry Battalion (IB) ang mga rebelde sa Brgy. San Buenaventura, Luisiana, Laguna na ikinasawi ng isang rebelde na noong una ay hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan.

Ang grupo ng nasabing rebelde ang itinuturong sangkot sa panununog ng mga heavy equipment sa isang construction site sa Infanta, Quezon kamakailan.

NEW PEOPLE’S ARMY UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES-LOS BAñOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with