Tatad
Digong kay Tatad: Sampalin kita!
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2019 - 12:00am

Sa cancer at kidney transplant issue

MANILA, Philippines — Galit na galit si Pa­ngulong Duterte at gustong sampalin si dating Sen. Kit Tatad dahil sa pagkakalat nito ng fake news na mayroon daw siyang cancer at nagpa-kidney transplant.

“Kay ako daw may kidney tran… Ito si Tatad, Ikaw Tatad, you know there’s a border between press freedom and pambabastos ng tao. ‘Pag una kitang makita iwasan mo ako. P***** i** sampalin kita. Maniwala ka sampalin kita sa maraming tao,” pahayag ng Pangulo sa proclamation rally ng PDP-Laban kamakalawa sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sinabi pa ng Pangu­lo, ang ginawang paninira at fake news ni Tatad sa kanyang kolum ay malinaw na paglabag sa freedom of expression.

Hinamon pa ni Duter­te na ‘ipahiram’ sa kanya ang asawa ni Tatad upang malaman niyang hindi totoo ang kanyang akusasyon na hindi na siya ‘tinitigasan’ dahil sa diabetes nito.

“Yung magbiro ka nang ganun na, “Si Duterte ano may cancer.” P***** i**. Ikaw ‘yang may diabetes. Kaya ikaw ay hindi na pwede mag ganun. Gusto mo talagang subukan kung meron pa kami o wala? May asawa ka? Ipahiram mo sa akin. P***** i** ka,” dagdag pa ng Pangulo.

KIT TATAD RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with