Maternity leave  bill âwag i-veto?
Ayon kay Gabriela Reps. Arlene Brosas at Emmi de Jesus, dumaan sa mahabang deliberasyon ang panukala kasama ang lahat ng ahensya at stakeholders kabilang ang SSS
Michael Varcas

Maternity leave bill ‘wag i-veto?

(Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala ang ilang progresibong kongresista kay Pangulong Duterte laban sa posibleng pag-veto niya sa panukalang expanded maternity leave.

Ayon kay Gabriela Reps. Arlene Brosas at Emmi de Jesus, dumaan sa mahabang deliberasyon ang panukala kasama ang lahat ng ahensya at stakeholders kabilang ang SSS.

Giit ni de Jesus, hindi dapat makinig ang Presidente sa fake news na malaki ang gagastusin ng SSS.

Sinabi rin ni Brosas na exaggerated ang computation ng SSS para mapilitan ang Presidente na i-veto ang bill at paboran ang panawagan ng mga grupo ng negosyante.

Binigyang diin nito na hindi pwedeng gamitin ang kapalpakan ng SSS na mangolekta ng contributions sa employers para hindi maisabatas ang expanded maternity leave. 

Sa halip na harangin at pagkaitan ang mga bun­tis, dapat umano’y gawan ng paraan ng SSS na pagbutihin ang kanilang koleksyon. (Gemma Garcia)

ARLENE BROSAS MATERNITY LEAVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with