Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr. nagsumbong sa kanya ang mga kawani ng DBM na lumobo na sa P100 bilyon ang utang o hindi nabayarang kontrata noong 2018 para sa infrastructure projects o mas mataas kumpara sa P44 billion na payables noong Nobyembre sa ilalim ng pamamahala ni Secretary Benjamin Diokno.

KJ Rosales
‘Lagay’ system sa DBM bumalik
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bumalik na ang tinatawag na “kickback o lagay” system sa Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr. nagsumbong sa kanya ang mga kawani ng DBM na lumobo na sa P100 bilyon ang utang o hindi nabayarang kontrata noong 2018 para sa infrastructure projects o mas mataas kumpara sa P44 billion na payables noong Nobyembre sa ilalim ng pamamahala ni Secretary Benjamin Diokno.

Dahil hindi nakakapag­bayad ang ahensya ay na­pipilitan umano ang mga contractors ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kumulimbat ng kickback para sa mga natapos na imprastraktura.

May pagkakaiba rin umano sa release of payments sa bawat distrito mula 10-30 percent na kinukuha mula sa lump sum at ang nasusunod ay ang regional directors ng DPWH.

Paliwanag pa ng kongresista na tatlong buwang hindi pinasahod ang casual employees ng DPWH habang 99 percent ng contractors ay hindi pa binabayaran nang buo dahil partial payments o hulugan ang ginagawa ni Diokno.

Dahil dito kaya na­nga­ngamba siyang mag-atrasan ang mga lehitimong contractor na mag-bid para sa Build, Build, Build program na mauuwi sa pagbagal ng paglago ng ekonomiya.

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT ROLANDO ANDAYA JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with