Dati nang inamin ni Duterte na kagagawan ni Sara ang pagbabago sa liderato.
The STAR/KJ Rosales
Duterte nag-sorry sa ouster ni Alvarez; Sara muling sinisi
(Philstar.com) - February 15, 2019 - 11:35am

MANILA, Philippines — Humingi ng tawad si Pangulong Rodrigo Duterte kay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa pagkakatanggal niya bilang House speaker dahil diumano sa mga maniobra ni presidential daughter at Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio.

Inamin ni Digong na hindi niya kayang kontrolin ang anak, na kilala sa pagiging mapamilit at prangka pagdating sa kanyang mga opinyon.

"Sorry, it had to happen. Si Inday [Sara] ang... di ko talaga kaya," sabi ng presidente sa kalagitnaan ng proklamasyon ng senatorial candidates na tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban na partido nina Duterte at Alvarez.

Dumalo si Alvarez sa pagtitipon, ang unang political sortie na pinuntahan ng presidente.

Ipinaliwanag ni Duterte na ang mga tatay gaya niya ay ayaw makipag-away sa anak. Aniya, mauuwi lang daw kasi ito sa sigawan.

Napatalsik si Alvarez bilang speaker at pinalitan ni dating pangulo at ngayo'y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bago ang ikatlong State of the Nation Address ni Duterte noong Hulyo 2018.

Dati nang inamin ni Duterte na kagagawan ni Sara ang pagbabago sa liderato.

“Be careful with that woman. She can even oust the speaker. She operated in Davao (Mag-ingat kayo sa babaeng 'yan. Kahit speaker kayang patalsikin niyan. Nag-operate siya sa Davao)," sabi ni Digong noong Oktubre. 

PANTALEON ALVAREZ RODRIGO DUTERTE SARA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with