Nakatipid daw sana ang publiko ng P0.10 kada litro ng diesel at ng P1.10 kada litro ng gasolina kung 'di dahil sa dagdag na excise tax ng batas.
Nakatipid daw sana ang publiko ng P0.10 kada litro ng diesel at ng P1.10 kada litro ng gasolina kung 'di dahil sa dagdag na excise tax ng batas.
The STAR/Andy G. Zapata Jr., File
'Petrolyo mas mura sana ngayon kumpara 2018 kung walang TRAIN'
James Relativo (philstar.com) - February 14, 2019 - 4:46pm

MANILA, Philippines — Sinabi ng research group na IBON Foundation na mas mura sana ang presyo ng langis ngayon kumpara noong nakaraang taon, kaso 'di raw ito maramdaman dahil sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.

Kung paggalaw lang daw ng presyo sa merkado ang titingnan at walang TRAIN, mas mababa raw ang babayaran ng consumers ngayong 2019 kung ihahambing sa 2018 prices.

"Overall movements in global oil prices and the peso-dollar exchange rate since end-2018 mean that pump prices should only be Php36.25 per liter for diesel and Php46.75 for gasoline if not for TRAIN," sabi ng IBON ngayong Huwebes.

Nakatipid daw sana ang publiko ng P0.10 kada litro ng diesel at ng P1.10 kada litro ng gasolina kung 'di dahil sa dagdag na excise tax ng batas.

Sa ilalim ng ikalawang tranche ng TRAIN, nagpataw ng panibagong P2.00 excise tax sa presyo ng petrolyo at P0.64 na VAT simula Enero 2019.

Simula nang ipatupad ang TRAIN sa Metro Manila, tumaas daw ang presyo ng diesel ng P4.94, ng gasolina sa average na P2.99, at kerosene ng P6.18.

"The price of petroleum products has been changing due to changes in the Mean of Platts Singapore (MOPS) prices and in the peso–dollar exchange rate. MOPS for gasoline prices has had a net increase of US$8.10/barrel and a net increase of US$9.21/barrel for diesel during the same period. The peso, meanwhile, depreciated against the US dollar by P1.89 also in the same period."

Kung ikukumpara raw ang average fuel prices noong katapusan ng Disyembre 2017 bago ang TRAIN at maagang yugto ng Pebrero 2019, makikitang tumaas ito mula P36.35 patungong P41.29 para sa diesel, mula P47.85 patungong P50.84 kada litro para sa gasolina at mula P41.09 patungong P47.27 para sa kerosene.

Pinamahal lang aniya ng dagdag na excise tax at value-added tax ang krudo kasabay ng paggalaw ng global prices at foreign exchange. 

"To date, Filipinos are paying an additional Php5.04 for every liter of diesel, an average of Php4.09 for every liter of gasoline, and Php4.48 for kerosene because of TRAIN."

Epekto ng TRAIN sa inflation, sahod

Nanininindigan ang research group na pinataas ng consumption taxes sa ilalim ng batas ang inflation sa simula ng 2018, na lalo pa diumanong nagpahirap sa mga dati nang mabababa ang sahod.

Sa tala ng IBON, pinababa ng TRAIN ang kita ng 60 porsyentong pinakamahihirap na households ng P3,300 hanggang P7,300 noong 2018.

Inaasahan naman nilang boboto ang mga Pilipino ng mga kandidatong layong ibaliktad ang epekto ng batas.

"Candidates should include the repeal of this regressive tax reform package in their major campaign agendas. This could start with the suspension of consumption taxes on sensitive products like oil," kanilang paapos.

OIL PRICE HIKE TRAIN LAW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with