Campaign caravan ng Hugpong ng Pagbabago sa San Fernando, Pampanga kahapon.
The STAR/Michael Varcas
13? Sara Duterte ipinaliwanag ba't sobra ang HNP senatorial slate
James Relativo (Philstar.com) - February 13, 2019 - 4:57pm

MANILA, Philippines — Binibigyan lang ng pagkakataong mamili ang botante, 'yan ang sinabi ni Hugpong ng Pagbabago chairperson Sara Duterte tungkol sa 13 kandidato sa pagkasenador sa ilalim ng kanilang slate.

Tuwing halalan, 12 lang kasi ang pwestong inilalaan para sa mga mananalong senador.

Aniya, hindi nila saradong tatakdaan kung sinu-sino sa kanila ang dapat iboto.

“Binibigay na namin sa mga tao, sa mga individual voters, kung sino 'yung 12 na pipiliin nila sa 13 candidates na tinutulungan ng Hugpong ng Pagbabago," banggit ni Duterte na alkalde rin ng Davao City.

Paliwanag niya, "tulong" lang at hindi pag-endorso ang ginagawa ng kanilang partido sa mga nabanggit na kandidato.

“That’s why we don’t mention that we are endorsing 13 candidates and you can listen during the rallies, we don’t say that. We only present them onstage and we let the voters choose from the candidates onstage (Kaya hindi naman sinasabi na ine-endorso namin ang 13 kandidato at maririnig mo 'yan sa mga rally, hindi namin yun sinasabi. Ipinakikita lang namin sila sa entablado at hinahayaan ang botante pumili sa kanila),” dagdag niya.

Nang tanungin kung sino sa 13 ang iboboto ni Sara, na anak din ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi niya ito sinagot nang diretso.

Aniya, pipiliin niya ang mga may napatunayan na, may magandang plano sa loob ng Senado, at susuporta sa administrasyon ng ama.

Ipinakilala sa proclamation rally ng Hugpong ang sumusunod:

  • Christopher “Bong” Go
  • Ronald dela Rosa
  • Francis Tolentino
  • Ramon “Bong” Revilla, Jr.
  • Pia Cayetano
  • Jinggoy Estrada
  • Sonny Angara
  • JV Ejercito
  • Aquilino “Koko” Pimentel III
  • Cynthia Villar
  • Zajid Mangudadatu
  • Jiggy Manicad
  • Imee Marcos

Huwag sobrahan ang boto

Nagbabala naman Commission on Elections sa electorate na huwag sosobrahan ang pangalang mamarkahan pagdating ng ika-13 ng Mayo sa panganib na di ito mabasa.

“Twelve ang kailangan na senador. Kung 13 ang shinade mo, walang paraan ang makina para malaman kung sino ang iyong pang-labintatlo," paglilinaw ni Comelec spokesperson James Jimenez sa Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkules.

Dahil dito, walang kikilalanin sa mga ibobotong senador ng sinumang sosobra sa 12.

Gayunpaman, babasahin naman daw ang iba pang bahagi ng iyong balota na tama ang bilang ng namarkahan.

“All of those other position na hindi ka nag-overvote will remain valid. Ang hindi lang mabibilang, ‘yung votes for overvoted position. Kung dalawang party-list ang binoto mo kahit isa lang ang kailangan, ‘yun lang boto mo sa party-list ang hindi mabibilang. Everything else, mabibilang po,” dagdag niya.

Unang ipinatupad ang automated elections taong 2010 sa pamamagitan ng makinang ginawa ng Smartmatic na tuluyang pumalit sa dating mano-manong pagbilang.

Gayunpaman, nananatiling manual ang pagbibilang para sa eleksyong pambarangay sa Pilipinas.

2019 MIDTERM ELECTIONS COMMISSION ON ELECTIONS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with