Si Baldo na itinuturong “utak” sa pagpatay kay Ako Bicol Cong. Rodel Batocabe at aide na si SPO2 Orlando Diaz ay nakakulong dahil sa kasong illegal possession of firearms, ammunitions and explosive.
Cet Dematera
Baldo pinayagang magpiyansa
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng makalabas na ng kulungan sa Legazpi City Police ngayong araw si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo matapos payagan ng korte na makapagpiyansa, kahapon.

Si Baldo na itinuturong “utak” sa pagpatay kay Ako Bicol Cong. Rodel Batocabe at aide na si SPO2 Orlando Diaz ay nakakulong dahil sa kasong illegal possession of firearms, ammunitions and explosive.

Ayon kay Atty. Loven­sky Fernandez, abogado ni Baldo, pasado alas-4 ng hapon nang makapagbayad sila ng P3 milyong piyansa makaraang pagbigyan ng Legazpi City Regional Trial Court ang isinampa nilang post to bail.

Gayunman, hindi nailabas kahapon ang alkalde makaraang hindi na nila abutan si Judge Ma.Teresa San Juan Loquillano ng RTC-Branch 10 dahil nakalabas na ang huwes sa kanyang opisina dakong alas-5 ng hapon na siyang magla­labas ng release order.

Sinabi naman ni Chief Inspector Ronnie Pavia, provincial officer ng Criminal Investigation and Detection Group ng Albay na wala pa silang hawak na release order at certificate of detention.

CARLWYN BALDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with