Sumentro ang pana­wagan niya sa mga nanay at sa lahat ng du­malo sa unang campaign caravan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa San Fernando, Pampanga tungkol sa seryosong problema ng measles outbreak sa ilang rehiyon ng bansa, kasama na ang Central Luzon.
KJ Rosales
Ibalik ang tiwala sa bakuna - Pia
(Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanawagan si House Deputy Speaker Pia S. Cayetano  sa mga ina na ibalik ang kanilang tiwala sa mga bakunang subok nang nakakapigil sa mga sakit tulad ng tigdas, polio, chicken pox at iba pa. 

Sumentro ang pana­wagan niya sa mga nanay at sa lahat ng du­malo sa unang campaign caravan ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa San Fernando, Pampanga tungkol sa seryosong problema ng measles outbreak sa ilang rehiyon ng bansa, kasama na ang Central Luzon.  

Nanindigan si Caye­tano na sa kanyang araw-araw na pag-iikot sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, patuloy siyang mana­nawagan at makikiusap sa mga nanay na ibalik ang kanilang tiwala sa bakuna dahil ayaw niyang may isa pang ina na mawalan ng anak. 

“Malapit yan (immunization) sa puso ko dahil ho ako ‘yung may-akda ng Mandatory Immunization, isa sa unang batas ko nung ako ho’y pumasok sa Senado,” pani­mula ni Cayetano, ang pangunahing may-akda ng Mandatory Infants and Children Immunization Act (Republic Act 10152).

Hinimok niya ang mga ina na pabakunahan ang kanilang mga anak upang mailigtas sila sa mga mas seryosong komplikasyon ng sakit. 

Sa kanyang talum­pati, naikwento niya ang kanyang personal na ka­ranasan, kung saan namatayan siya ng anak dahil pinanganak itong maraming kapansanan. 

“Dinadasal ko, sana may bakuna para sa sakit ng anak ko, nang hindi siya nagkaganoon,” pag-alala ni Cayetano sa naging karanasan niya bilang ina. 

“Nawalan ako ng anak, hindi ko kagagawan, ‘yun na talaga ang tadhana namin. Pero ‘yung hindi lang nabakunahan, maiiwasan po ‘yun,” paalala niya sa mga inang patuloy pa ring nagdududa sa kahalagahan ng bakuna.

Nagsilbi si Pia Cayetano ng 12 taon bilang senador mula 2004-2016 at tatlong taon bilang Kinatawang ng Pangalawang Distrito ng Taguig (2016-kasalukuyan).

A S. CAYETANO MEASLES OUTBREAK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with