Ayon kay Comelec spokesman Director James Jimenez sa pagsisimula ng kampanya sa midterm elections, posibleng madiskuwalipika ang mga kandidato na maglalagay ng kanilang campaign posters sa mga lugar na hindi itinalaga ng Comelec.
Joven Cagande
DQ sa illegal campaign posters - Comelec
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Commission in Elections (Comelec) sa mga kandidato sa paglalagay ng illegal campaign paraphernalias.

Ayon kay Comelec spokesman Director James Jimenez sa pagsisimula ng kampanya sa midterm elections, posibleng madiskuwalipika ang mga kandidato na maglalagay ng kanilang campaign posters sa mga lugar na hindi itinalaga ng Comelec.

Nagpaalala rin ito sa sukat ng mga campaign posters na 2x 3 lamang.

Sinabi ni Jimenez na tulad ng ipinatutupad na regulasyon, kailangang ilagay ang mga campaign materials sa mga common poster areas maging sa mga private properties basta may paalam mula sa may-ari. 

Kaugnay nito, sinabi ni Jimenez na bumabalangkas pa lang sila ng pamantayan para sa electronic billboards. Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang Comelec sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa Operation Baklas.

Ang campaign period ng lahat ng kandidato ay hanggang Mayo 11 lamang. 

ILLEGAL CAMPAIGN PARAPHERNALIAS JAMES JIMENEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with