Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, bukas siya sa posibilidad na pagpapalit ng pangalan ng bansa lalo pa’t ang Philippines ay palaging iniuugnay kay King Philip II ng Spain na naging mananakop ng bansa sa loob ng 300 taon.
Geremy Pintolo
Republic of Maharlika ok sa Senado
Rudy Andal, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Suportado ng ilang senador ang balak ni Pangulong Duterte na palitan ang pangalan ng Pilipinas at gawing Republic of Maharlika.

Ayon kay Sen. Panfilo  Lacson, bukas siya sa posibilidad na pagpapalit ng pangalan ng bansa lalo pa’t ang Philippines ay palaging iniuugnay kay King Philip II ng Spain na naging mananakop ng bansa sa loob ng 300 taon.

Sabi ni Lacson na bagaman at nasubok ang katapangan ng ating mga ninuno, ang 300 taong pananakop ay labis na nakaimpluwensiya sa ating kultura at ugali na hindi natin maaring angkinin na sariling atin.

Maganda rin aniyang pakinggan ang salitang Maharlika basta’t huwag sasalihan ng pulitika.

Para naman kay Sen. Koko Pimentel, dapat pag-aralan ang panukala. Dapat din aniyang saliksikin ang totoong kahulugan ng Maharlika.

Batay anya sa kasay­sayan, kaya naging Pilipinas ang pangalan ng bansa ay dahil isinunod ito sa pangalan ni King Philip ng España matapos sakupin ni Magellan ang bansa.

Payag si Pangulong Duterte na palitan ang pangalan ng Pilipinas ng Maharlika na plano rin noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

REPUBLIC OF MAHARLIKA RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with