Inihayag ni DOTr Assistant Secretary Mark de Leon na dalawang beses nang nagpulong ang Technical Working Group (TWG) na binuo ng ahensya upang pag-aralan ang mga naaangkop na regulasyon para sa motorcycle taxis bilang public utility vehicles. Kasalukuyan din silang nagbabalangkas ng implementing rules and regulations (IRR) para sa napipintong pilot run ng Angkas.
Angkas Pilot run aprub
(Pilipino Star Ngayon) - February 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagkasundo ang Mababang Kapulungan ng Kongreso at ang Department of Transportation sa panukalang pilot run ng motorcycle ride-hailing service na Angkas bilang isang test case para sa pagbabalangkas ng angkop na regulasyon para sa motorcycle taxis.

Inihayag ni DOTr Assistant Secretary Mark de Leon na dalawang beses nang nagpulong ang Technical Working Group (TWG) na binuo ng ahensya upang pag-aralan ang mga naaangkop na regulasyon para sa motorcycle taxis bilang public utility vehicles. Kasalukuyan din silang nagbabalangkas ng implementing rules and regulations (IRR) para sa napipintong pilot run ng Angkas.

Sa nasabing pagdinig kahapon, sinabi ni  Manila Rep. Cristal Bagatsing na walang humpay sa pagtatanong sa kanya ang kanyang mga constituent sa iba’t-ibang barangay sa Maynila kung kailan babalik ang Angkas.

Nagpahayag naman ng pasasalamat sa DOTr si Angkas Head of Regulatory and Public Affairs George Royeca sa mga naganap na pagpupulong ng TWG.

Mahigpit ding isinusulong ni Congressman Arnolfo Teves, Jr., ng ikatlong distrito ng Negros Oriental, Rep. Arnolfo Teves Jr. ang muling pag-arangkada ng Angkas.

ANGKAS DEPARTMENT OF TRANSPORTATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with