Sinabi ni House Committee on Appropriations Chairman Rolando Andaya Jr., hindi na sila interesado sa pagdalo ni Diokno sa pagdinig sa umano’y maano­malyang 2019 national budget.
Sinabi ni House Committee on Appropriations Chairman Rolando Andaya Jr., hindi na sila interesado sa pagdalo ni Diokno sa pagdinig sa umano’y maano­malyang 2019 national budget.
Boy Santos
Kaso vs Diokno niluluto na ng House
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na oobligahin pa na dumalo sa pagdinig sa Kamara si Budget Secretary Benjamin Diokno, sa halip ay sasampahan na lang ng kasong kriminal sa korte at sa Ombudsman ang kalihim.

Sinabi ni House Committee on Appropriations Chairman Rolando Andaya Jr., hindi na sila interesado sa pagdalo ni Diokno sa pagdinig sa umano’y maano­malyang 2019 national budget.

Matatandaan na dapat ay i-cite for contempt ang kalihim dahil sa hindi pagsipot sa mga pagdinig subalit hindi ito isinulong ni Andaya.

Ayon kay Andaya, ang ginagawa lamang ni Diokno ay pinapahaba ang proceedings at hindi sisipot subalit kung sisipot man ay magda-drama lang at walang ibibigay na impormasyon, kaya hindi na umano sila interesado sa presensya nito.

Kaya sa halip umano na imbitahan ay sasampahan na lang nila ng kaso si Diokno dahil sa conflict of interest na may kaugnayan sa P81 milyon na nakuha niyang bayad mula sa construction firm ng kanyang in-laws na dummy corporations para sa mga infrastructure projects ng gobyerno.

Paliwanag ni Andaya, kasado na at kumpleto ang mga information para sa kasong isasampa nila kay Diokno para sa piskalya at Ombudsman na lang umano ito magpaliwanag.

Iginiit pa ng lider ng Kamara na conflict of interest ang pinasok ng kalihim dahil sa hindi dapat nakikialam at nakikinabang sa kontrata ang mga anak ng isang opisyal ng gobyerno.

BENJAMIN DIOKNO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with