Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr., sinabi mismo ni Diokno sa kanya na ang P40 bilyon ay para patahimikin ang mga kongresista at manggagaling ito sa 2018 sa­vings ng DBM.
Michael Varcas
P40-B ‘suhol’ alok ni Diokno - Andaya
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inalok umano ng P40 bilyon suhol ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang mga kongresista para aprubahan ang P75 bilyong augmentation ng Department of Public Works and Highways (DPWH) infrastructure projects.

Ayon kay House Appropriations Committee Chairman Rolando Andaya Jr., sinabi mismo ni Diokno sa kanya na ang P40 bilyon ay para patahimikin ang mga kongresista at manggagaling ito sa 2018 sa­vings ng DBM.

Nangyari umano ang tangkang panunuhol noong ikatlong meeting nila kay Diokno matapos hindi tugunan ng kalihim ang isyu tungkol sa hindi pantay na halaga ng infrastructure projects para sa mga congressional district.

Sabi ni Andaya, tinangka ni Diokno na bilhin ang kanilang kooperasyon sa pamamagitan ng pag-aalok ng P40 bilyon at hindi na pansinin ang P75 bilyong insertion. Giit pa niya, mayroong malaking pagkakaiba sa mga miyembro ng kongresista sa P75 bilyon alokasyon at kung ano ang formula na ginamit dito para lumabas ang nasabing halaga.

Nagtataka rin siya kung bakit mayroong P8 bilyon alokasyon at P400 milyon pa.

Sinabi umano ni Andaya kay Speaker Gloria Arroyo ang tangkang panunuhol at sinabihan siya na “trap” ang alok ni Diokno.

Samantala, walang nakikitang masama si DPWH Usec. Catalina Cabral sa umano’y insertion. Anya, ang P75 bilyon na idinagdag sa P480 bilyong DPWH budget ay ipinadala sa regional offices para sa vetting process.

BENJAMIN DIOKNO DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS ROLANDO ANDAYA JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with