Ipapadala ang panukala para pirmahan ni Pangulong Duterte para maging ganap na batas.
Boy Santos
Parusa sa sisipol sa babae pinagtibay na sa Kamara
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Niratipikahan na ng Kamara ang panukalang batas na magpapataw ng mahigpit na parusa sa mga sisipol at iba pang uri ng pambabastos sa mga kababaihan.

Ipapadala ang panukala para pirmahan ni Pangulong Duterte para maging ganap na  batas.

Nakasaad sa panukala na ituturing na gender-based street and public spaces harassment ang wolf-whistling, cat-calling at mga katulad na bagay.

Ang sinumang lalabag dito ay pagmumultahin ng P10,000 at 12 oras na community service at Gender-Sensitivity Seminar sa Philippine National Police habang sa ikalawang paglabag ang multa ay P20,000 at kulong na hanggang 30 araw. Sa ikatlo at P30,000 multa at hanggang 30 araw na pagkakakulong.

Ang mga magla­labas naman ng ari o gagawa ng offensive body gesture ay pagmumultahin ng P30,000 at 12 oras na community service at seminar. Sa ikalawang paglabag ay hanggang 30 araw na kulong at P40,000 multa at sa ikatlo ay P50,000 multa at isa hanggang anim na buwang pagkakakulong.

Ang manghihipo naman ay parurusahan ng P100,000 multa, hanggang 30 araw na kulong sa unang pag­labag at seminar. Sa ikalawa ay P150,000 multa at kulong na isa hanggang anim na buwan. Sa ikatlo ay P200,000 multa at isa hanggang anim na buwang kulong.

Ang Gender-based online harassment naman o sexual harassment sa pamamagitan ng internet ay may parusang P100,000-P500,000 multa at kulong na anim na buwan hanggang anim na taon.

CAT-CALLING WOLF-WHISTLING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with