^

Bansa

Laylayan Koalisyon inilunsad ni VP Leni

Pilipino Star Ngayon
Laylayan Koalisyon  inilunsad ni VP Leni
Isa si Robredo sa mga matagal nang nagsusulong ng people empowerment at pagpapaigting ng paglahok ng mga mamamayan sa pamahalaan sa pamamagitan ng People’s Council.
OVP

MANILA, Philippines — Inilunsad kahapon ni Vice President Leni Robredo ang Ahon Laylayan Koalisyon, isang inisyatiba na naglalayong palakasin ang boses ng mga sektor sa gitna ng kanilang pagsisikap na masolusyonan ang mga suliranin na nakakapigil sa kanilang pag-unlad. 

Isa si Robredo sa mga matagal nang nagsusulong ng people empowerment at pagpapaigting ng paglahok ng mga mamamayan sa pamahalaan sa pamamagitan ng People’s Council. 

“Ito po ang layunin ng Laylayan Coalition: na isama kayo sa bawat hakbang ng pamumuno. Binuo natin ang kilusang ito para iangat ang boses ng ordinaryong Pilipino. Walang maiiwan, walang etsa-puwera—kasama ang lahat,” aniya. 

Nakiisa rin sa pagtitipon, na ginanap sa University of the Philippines-Diliman, ang mga kandidato ng Otso Diretso. Dito, nabigyan ng pagkakataon ang mga kinatawan ng mga sektor na ipahayag sa mga kandidato ang kanilang mga saloobin at kailangan na suporta. 

Bahagi rin ng Ahon Laylayan Koalisyon ang pag­lagda ng mga sektor at ng mga kandidato ng isang kasunduan na nagpapatunay ng pagkakapit-bisig nila sa mga hakbang upang matulungan at mapalakas ang mga nasa laylayan. 

Ayon sa Bise Presidente, kabilang sa mga hakbang tungo sa pag-unlad ang pagpili ng mga lider “na handang makinig at matuto” sa taumbayan.

Dagdag pa niya, ito ay mga katangiang taglay ng mga kandidato ng Otso Diretso, na matagal nang naglilingkod sa bayan sa iba’t ibang paraan.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with