Nitong nagdaang Enero 23, ang NFA ay nakabili na ng kabuuang 88,982 bags ng palay o may 44 percent ng kanilang 200,500 bags na target para sa buwan ng Enero ng taong ito.
File Photo
NFA binibili na ang palay mula sa Mindanao
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binibili na ngayon ng National Food Authority (NFA) sa mga magsasaka sa rehiyon ng Mindanao upang madagdagan ang imbak na bigas ng ahensiya.

Nitong nagdaang Enero 23, ang NFA ay nakabili na ng kabuuang  88,982 bags ng  palay o may 44 percent ng kanilang 200,500 bags na target para sa buwan ng Enero ng taong ito.

Sa lalawigan ng North at South Cotabato at sa Sultan Kudarat, ang local NFA office ay nakopo na ang kanilang procurement targets ngayong Enero .

Sa non-traditional rice-producing region, ang local NFA office sa Region 12 ay nakabili na ng may 79,133 bags ng bigas noong Enero 23, mas mataas sa 2,000 bags target  para sa buong buwan ng Enero.

Ang ibang lugar na nakabili ang NFA ng bigas ngayong buwan ay mula sa  Agusan del Sur – 734 bags; Surigao del Sur – 16 bags; Bukidnon -2,571 bags; at Southern Tagalog provinces – 6,528 bags.

Bagamat ang traditional summer crop ay mula Marso hanggang Mayo at ang main harvest ay mula Oktubre hanggang Disyembre, inatasan ni Escarez  ang lahat ng NFA field offices na patuloy na gawing bukas ang lahat ng NFA buying stations para mabili ang inaning bigas ng mga magsasaka sa alinmang bahagi ng bansa.

Ngayong 2019, ang NFA targets sa pagbili ng palay ay umaabot sa halos 7,780,000 bags  mula sa mga magsasaka.

NATIONAL FOOD AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with