Sa botong 146 na Yes, at 34 na No ay pasado na ang House Bill 8858 o ang pagbaba sa minimum of age of social res­ponsibi­lity (MAS) sa 12 anyos kung saan sasailalim sila sa rehabilitation at reporma sa oras na lumabag sa batas.
KJ Rosales
12 anyos pasado na sa Kamara
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2019 - 12:00am

Minimum na edad sa social responsibility

MANILA, Philippines — Inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang  panukalang nagpapababa sa minimum of age of social responsibi­lity sa 12 taong gulang mula sa 15 anyos.

Sa botong 146 na Yes, at 34 na No ay pasado na ang House Bill 8858 o ang pagbaba sa minimum of age of social res­ponsibi­lity (MAS) sa 12 anyos kung saan sasailalim sila  sa rehabilitation at reporma sa oras na lumabag sa batas.

Nakasaad sa panukala na hindi ikukulong at hindi ituturing na kriminal ang mga children in conflict with the law.

Ang mga batang nakagawa ng krimen tulad ng murder, parricide, infanticide, carnapping, kidnapping, rape with homicide at paglabag sa Dangerous Drugs Act ang tanging sasailalim sa rehabilitation at confinement sa Bahay Pagasa o sa Agricultural Camp at training center.

Ang mga tao o sindikatong gagamit sa mga kabataan sa paggawa ng krimen ay mahaharap sa kaukulang parusa.

Tiniyak din na magi­ging ‘confidential’ ang mga records ng mga batang lumabag sa batas.

Kinuwestyon naman ni Buhay Rep. Lito Atienza ang  bilang ng mga bumotong kongresistsa dahil sa karamihan umano ng kanyang mga kasamahan ay wala sa plenaryo.

MINIMUM OF AGE OF SOCIAL RES­PONSIBI­LITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with