Ang total lockdown ay inutos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, martial law administrator, kaugnay ng implementasyon nito sa buong rehiyon ng Mindanao.
Ang total lockdown ay inutos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, martial law administrator, kaugnay ng implementasyon nito sa buong rehiyon ng Mindanao.
Boy Santos
Lockdown sa Jolo
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isinailalim na sa total lockdown ang buong Jolo, Sulu kaugnay ng pambobomba sa isang simbahan dito kamakalawa.

 Ang total lockdown ay inutos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, martial law administrator, kaugnay ng implementasyon nito sa buong rehiyon ng Mindanao.

Kasabay nito, tinukoy naman ni Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command Spokesman Col. Gerry Besana na ang Ajang-Ajang terror group na kaalyado ng mga ekstremistang Abu Sayyaf ang nasa likod ng madugong pambobomba sa nasabing simbahan  na itinaon pa sa sagradong pagmimisa dito.

Ang grupong Ajang-Ajang, ayon sa opisyal, ay sangkot sa pagpatay sa mga law enforcers partikular na sa mga sundalo at pulis sa Sulu at maging sa iba pang uri ng paghahasik ng terorismo tulad ng kidnapping for ransom at pambobomba.

Sinabi naman ni Philippine National Police Chief  Director General Oscar Albayalde na inutos rin ng PNP ang ‘total lockdown’ sa buong Jolo, ang kapitolyo ng lalawigan  kung saan sarado ang mga tindahan at iba pang mga establisyemento habang isinasagawa pa ang masusing imbestigasyon sa kaso hanggang sa magbalik sa normal ang sitwasyon ng seguridad sa lugar.

Ayon pa kay Albayalde pinaigting rin ang mga checkpoint at chokepoints operations kung saan halos walang mga tao na nasa labas habang naglagay rin ng mga roadblocks.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES DELFIN LORENZANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with