Panalo sa arbitration vs China ‘di binabalewala
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2019 - 12:00am

Palasyo kay Noynoy

MANILA, Philippines — Siniguro ng Malacañang na hindi isasantabi ng Duterte government ang pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitral court nito laban sa China kaugnay sa South China Sea issue.

Ito ang naging tugon ng Palasyo sa pahayag ni da­ting Pangulong Benigno Aquino Jr. na tila binabalewala na ng bansa ang ruling ng UN tribunal kapalit ng mga loans at investment mula sa China.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi binabalewala ng pamahalaan ang naging tagumpay ng bansa sa naging laban nito sa usapin ng territorial dispute sa China pero hindi aniya praktikal sa ngayon kung dadaanin sa away ang approach.

Wika pa ni Panelo, walang may gustong ipatupad ito kaya’t sa halip na makipag-away, mas maigi na pakinabangan na lamang ang tulong na may kinalaman sa trade relations at iba pa na kung saan, maka­kabenepisyo ang bansa.

Hindi naman anya nalilimutan ni Pangulong Duterte ang karapatan natin sa pinagtatalunang teritoryo pero may panahon para ito’y ungkatin muli sa China ngunit hindi sa ngayon.

BENIGNO AQUINO JR. SOUTH CHINA SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with