Kuha ng press conference kanina sa Commission on Human Rights tungkol sa pagbababa ng minimum age of criminal responsibility.
Facebook/Commission on Human Rights of the Philippines
Criminal responsibility para sa 12-anyos pinalagan ng CHR
James Relativo (Philstar.com) - January 24, 2019 - 12:16pm

MANILA, Philippines — Hindi pabor ang Commission on Human Rights sa pagbababa ng maaring panagutin ng batas sa 12 taong gulang, 'yan ay matapos irebisa ng Kamara ang naunang panukala na 9-anyos.

"The Commission on Human Rights is deeply alarmed that, despite calls of experts on child development and advocates of children’s rights, members of the House of Representatives are still firm on reducing the minimum age of criminal responsibility from what the current law sets at 15 years old," ayon sa pahayag ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia.

(Lubos na nababahala ang Commission on Human Rights dahil, sa kabila ng panawagan ng mga eksperto sa child development at advocates ng children's rights, resolbado pa rin ang House of Representatives na ibaba ang minimum age of criminal responsibility sa kasalukuyang 15 taong gulang.)

Inamyendahan ang naunang panukala na siyam na taong gulang dalawang araw matapos maipasa sa House justice panel noong Lunes.

Sa ilalim ng kontrobersyal na House Bill 8858, maaaring ipiit ang mga batang lumalabag sa batas sa mga Bahay Pag-asa — mga pasilidad na layong bigyan ng rehabilitasyon ang mga batang lumalabag sa batas.

Ito rin ang parehong edad na hinihiling ng maraming mambabatas sa Senado.

Nanindigan ang CHR na hindi pa mahusay na naipatutupad at napopodohan ang kasalukuyang Juvenile Justice and Welfare Act.

"[I]n 2018, only 58 [Bahay Pag-asa facilities] are operational and only eight of which have been accredited by the Department of Social Welfare and Development," dagdag ni de Guia.

(Noong 2018, 58 lang ang umiiral na Bahay Pag-asa at walo lang doon ang accreditted ng Department of Social Welfare and Development.)

Kakailanganing dagdagan ang dati nang kulang na Bahay Pag-asa kung pagbabatayan ang datos ng CHR.

"Adjusting the proposed age of criminal liability from nine to 12 is not an act of compassion nor is it aligned with the government’s responsibility to uphold its obligation to protect the rights of children, including the most vulnerable and marginalised."

(Hindi awa ang umiral sa pag-lipat nito mula sa siyam papunta sa 12 at hindi rin ito sang-ayon sa responsibilidad ng gobyerno na itaguyod ang karapatan ng mga bata, kasama na ng mga pinakabulnerable't mahihirap).

Imbis na sisihin ang mga menor de edad, sinabi ng komisyon na pahusayin na lang ang kasalukuyang batas at magpatupad ng mas mahigpit na pamamaraan ng pagsukol sa mga sindikato.

Sa press briefing naman ng Palasyo kanina, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na hindi magiging problema ang pondo pagdating sa mga Bahay Pag-asa.

"Kung 'yan lang ang problema, edi dagdagan natin ng pondo. Napakaliit naman ng problemang 'yan. If it's a matter of funding, let's put some funds for more funds," ani Panelo.

Tinawag namang mga "halimaw" ni Sen. Leila de Lima ang mga nais magbaba sa minimum age of criminal responsibility.

"Children are not criminals. They're victims too! Hindi dapat sila pinagdidiskitahan kundi yung mga big time druglords and syndicates! Nasaan ang konsensya nila? Heartless monsters," sigaw niya habang papaalis mula sa Muntinlupa regional trial court branch 205 kahapon.

'Monster bill'

Dahil dito, binansagang "monster bill" naman ni Elmer Labog, national president at first nominee ng Manggagawa party-list, ang panukala.

“What Congress fails to realize is that our opposition is not about how low it should be lowered to. We oppose the proposal in its entirety. It is against all reason and science, defying the opinion of child experts, pediatricians, and psychologists,” ani Labog.

(Ang hindi maintindihan ng Kongreso ay hindi ito isyu ng kung gaano kababa ito ibababa. Tutol kami dito sa kabuuan. Labag ito sa katwiran at siyensiya, at hindi pag-sunod sa opinyon ng mga child experts, pediatricians, at mga sikolohista.)

Aniya, kahirapan ang nagtutulak sa mga tao at kanilang mga anak na gumawa ng krimen at ito raw muna ang kailangang pagtuunan ng pansin.

“Lowering the MACR is a despicable act, and it is appalling that the Government is exerting all its efforts into making it law, while there are more urgent and important issues that needs to be addressed such as low wages, contractualization, and landlessness."

(Kasuklamsuklam ang pagbababa ng MACR, at nakagagalit na ginagawa ng gobyerno ang lahat para maipasa ito, habang marami pang ibang mahahalagang isyu na kailangang sagutin tulad ng mababang pasahod, kontraktwalisasyon, at kawalan ng lupa).

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS HOUSE OF REPRESENTATIVES LEILA DE LIMA MINIMUM AGE OF CRIMINAL RESPONSIBILITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with