Una nang binanggit ng PNP-CIDG na sa isang ilog sa lugar umano itinapon ang armas suba­lit nakuha ito mula sa palaisdaan.
Baril sa Batocabe narekober
Jorge Hallare, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isa pang baril na sinasabing ginamit umano sa pagpaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang narekober ng mga tauhan ng Special Investigation Task Group (SITG) Batocabe sa isang fishpond sa Ligao City, Albay kahapon.

Sa report na tinanggap  ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director P/Chief Supt. Amador Corpus mula kay CIDG Region V Director P/Sr. Supt. Rolando Ardiente, nakuha ang isang Taurus caliber .45 caliber pistol na may kargang 10 bala sa isang fishpond sa Purok 3, Barangay Busay sa lungsod ng Ligao.

Sinasabing si Christopher Naval alyas Tuping, isa sa mga suspek, ang nagturo sa naturang armas na umano’y kabilang sa dalawang baril na ginamit ng gunman na si Henry Yuson sa pagpatay kay Batocabe at security aide na si SPO2 Orlando Diaz.

Una nang binanggit ng PNP-CIDG na sa isang ilog sa lugar umano itinapon ang armas suba­lit nakuha ito mula sa palaisdaan.

Dadalhin na ang ar­mas sa Regional Crime Laboratory Office (RCLO) upang isailalim sa ballistic at cross matching examination.

Matatandaang narekober din ang isa pang caliber .45 pistol sa isang septic tank sa bahay ng isa sa mga suspek.

RODEL BATOCABE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with