Pinangunahan nina House Speaker Gloria Arroyo, Negros Occidental Rep. Albee Benitez at Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin ang pag-turn over ng isang bag na nagkakahalaga ng P8 milyon kay PNP Chief Oscar Albayalde.
P13-M reward ng Kamara sa Batocabe tinurnover na sa PNP
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Na i-turn over na ng Kamara sa Philippine National Police (PNP) ang P13 milyon na nalikom ng mga kongresista para sa reward money sa makakapagturo sa pumatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Pinangunahan nina House Speaker Gloria Arroyo, Negros Occidental Rep. Albee Benitez at Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin ang pag-turn over ng isang bag na nagkakahalaga ng P8 milyon kay PNP Chief Oscar Albayalde.

Nilinaw naman ni Garbin na noong nakaraang linggo ay naibigay na rin kay Albayalde ang P5 milyon kaya umaabot na sa P13 milyon ang reward money.

Bahagi pa rin ito ng P50 milyong pabuya kung saan ang P20M ay mula sa Pangulo, P13M sa Kamara, P15M sa Ako Bicol partylist at P2M mula sa lokal na pamahalaan ng Albay.

Nilinaw pa ni Garbin na ang P15M at P2M ay hindi agad ibibigay ng buo kundi by tranches o hulugan.

Aabot sa 197 mam­babatas ang nangako at nagbigay ng tig-P30,000 kontribusyon.

PHILIPPINE NATIONAL POLICE RODEL BATOCABE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with