^

Bansa

Magulang ang ikulong – PDEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Magulang ang ikulong � PDEA
Pahayag ito ni Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino kasabay sa panukala ng Kongreso na ibaba ang minimum age sa criminal liability.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ikulong ang mga magulang na mapapatunayang kinukunsinti ang kanilang mga underage na anak na malulong sa iligal na droga.

Pahayag ito ni Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino kasabay sa panukala ng Kongreso na ibaba ang minimum age sa criminal liability.

“Dapat talagang ma­nagot ang mga magulang at iyun ang dapat ikulong, iyung mga magulang na allowing these children to be involved in illegal drugs,” ani Aquino.

Nauna rito, noong nakaraang linggo ay nakaaresto ang mga pulis ng 12 menor edad na nagbebenta at gumagamit ng shabu sa mga drug den sa Navotas.

Ang mga naaresto ay mga batang edad lima hanggang 15-anyos.

Pawang estudyante rin ang mga ito ngunit umaming laging nag-a-absent sa eskwela sa tuwing puno ng mga kostumer ang mga drug den.

Ipinatawag umano ng PDEA ang mga magulang ng mga bata ngunit isa lamang sa mga ito ang tumalima at duma­ting.

Nitong Lunes, ina­prubahan ng House justice committee ang panukalang nagpapababa sa edad ng mga batang may pananagutang kri­minal sa siyam na taon mula 15-taon.

Sinabi pa ni Aquino na suportado niya ang panukala.

vuukle comment

AARON AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with