Magugunitang pinagbabawalan ngayon ang mga Pinoy workers na makasali sa H-2A at H-2B foreign worker visa program dahil umano sa mataas na “overstay rate” batay sa US Department of Homeland Security notice noong Enero 18.
AFP
US itinigil ang working visa sa mga Pinoy
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - January 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iaapela ng Malacañang ang naging desisyon ng Amerika na pansamantalang pag-ban sa pagbibigay ng working visa sa mga Pilipinong gustong magtrabaho sa Amerika.

Magugunitang pinagbabawalan ngayon ang mga Pinoy workers na makasali sa H-2A at H-2B foreign worker visa program dahil umano sa mataas na “overstay rate” batay sa US Department of Homeland Security notice noong Enero 18.

Napag-alaman na 40 porsiyento na inisyuhan ng H-2B visa mula sa Pilipinas ay overstaying mula noong 2017. Ang ban ay epektibo noong Enero 19, 2019 hanggang Enero 18, 2020. 

Nakasaad din sa basehan ng diskuwalipikasyon ang mataas na bilang ng human trafficking victims mula sa Pilipinas na unang napagkalooban ng H-2A H-2B visas.

Ang H-2A visas ay temporary visas para sa mga foreign agricultural workers habang ang H2-B visas ay para naman sa mga foreign workers na nasa non-agricultural services sa US.

“If that is the law in the US and if there were violations, then we have to respect if they have basis for that. We will only react if our workers are being mistreated, maltreated or being discriminated against. And if they violated the laws of the US, then they have to face the music,” pahayag naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Kasabay nito, pinapayuhan ng DFA ang mga Pilipino sa Estados Unidos na sundin ang mga immigration rules at iwasang mag-overstay o manatili ng lagpas sa nakasaad sa kanilang mga visa. (Lordeth Bonilla)

WORKING VISA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with