^

Bansa

Panelo payag panagutin sa batas ang mga 9-anyos

James Relativo - Philstar.com
Panelo payag panagutin sa batas ang mga 9-anyos
Ayon kay Panelo, malaki raw ang naitulong ng pag-usad ng modernong teknolohiya sa pag-intindi ng mga bata sa kanilang ginagawa.
Facebook/Radio Television Malacañang

MANILA, Philippines — Sa press briefing ng Malacañang Press Corps, sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na sang-ayon siya sa panukalang ibaba ang age of criminal responsibility sa siyam na taong gulang.

Aniya, malaki raw ang naitulong ng pag-usad ng modernong teknolohiya sa pag-intindi ng mga bata sa kanilang ginagawa.

"Siguro tama. Sa akin, pwede na sa akin ang nine [years old]. Considering the technology, yung nine parang equivalent na to 12, 15 years old eh. May discernment na eh," sabi ng tagapagsalita ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibang-iba na raw ang alam ng mga bata ngayon kumpara sa mga menor noong huling sampung taon.

Sa kasalukuyang Juvenile Justice and Welfare Act, pananagutin lamang sa batas ang menor de edad na 15-anyos ngunit mas bata sa 18 kung mapatutunayang may "discernment" o alam kung tama o mali ang kanyang ginagawa.

"Kasi nga sa criminal law, kapag may discernment ka na, you know what is bad and what is good, eh may problema ka sa batas. You will be accountable."

Ginamit na halimbawa ni Panelo ang kanyang tatlong taong gulang na apo para patunayang matatalino na ang mga bata ngayon at alam na ang ginagawa.

Nang tanungin niya isang beses ang apo kung bakit siya nag-iisa, laking gulat na lang daw niyang sagutin nang: "Grandpa, it's nice to be alone (Lolo, masayang mapag-isa)." 

"Can you imagine that? A three-year old (Naisip niyo ba 'yun? Tatlong taong gulang)?" dagdag ni Panelo.

Ayon sa opisyal na datos ng Philippine National Police, mas mababa sa dalawang porsyento ng lahat ng krimen ang kinasangkutan ng mga menor de edad.

Kwinestyon naman ito ni Panelo at sinabing maraming kaso ng krimen ang hindi naiuulat. Aniya, binabase lang ng PNP ang kanilang numero sa mga nahuhuling bata.

Nang tanungin kung ibinatay ba sa siyentipikong pag-aaral ang pagtatakda ng siyam na taong gulang, sinabi niyang posibleng ibinase ito ng mga mambabatas sa datos ng PNP.

Ayon sa UNICEF, karaniwang nagma-"mature" ang utak ng tao sa tuwing umaabot sa edad na 16 base sa mga pag-aaral.

Tinawag din nilang karahasan laban sa mga bata ang pagbababa ng criminal liability.

"[L]owering the age of criminal responsibility is an act of violence against children. Children in conflict with the law are already victims of circumstance, mostly because of poverty and exploitation by adult crime syndicates," ayon sa pahayag na inilabas ng UNICEF noong Biyernes.

(Ang pagbababa sa age of criminal responsibility ay karahasan laban sa mga bata. Biktima ng pagkakataon ang mga batang lumalabag sa batas, kadalasan dahil sa kahirapan at panggagamit ng mga sindikatong pinatatakbo ng matatanda.)

Pero sagot ni Panelo, layunin daw ng panukala na protektahan ang mga bata.

"I think the law is geared towards the protection of the minors rather than from the point of view of those who are opposing it... na labag daw against their interest. I disagree," dagdag ni Panelo.

(Sa tingin ko, naka-angkla ang batas sa pagtatanggol sa mga kabataan kaysa sa pananaw ng mga tumututol dito, na labag daw ito sa kanilang interes. 'Di ako sang-ayon doon.)

Siniguro naman niya na hindi absolutong makukulong ang mga batang lalabag sa batas kung maipapasa ang panukala.

"Alam mo our law, 'pag they're enacted, merong mga provisions there that will say kahit na 'yun ang edad mo, if you did it with discernment, ito ang magiging penalty mo. If you did not do it with discernment, eto ang gagwain sa'yo. Rehabiliation, so on and so on. Hindi naman absolute eh."

vuukle comment

CRIMINAL LIABILITY

MALACANANG

SALVADOR PANELO

TECHNOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with