Layon ng panukala na amyendahan ang RA 10630 na nagbababa sa age of criminal liability ng bata sa siyam na taong gulang at pababa.
Edad ng criminal liability gagawing 9-anyos
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bilang suporta sa kahilingan ni Pangulong Duterte, isinusulong ni Speaker Gloria Arroyo ang panukalang pagbaba sa age of criminal liability ?sa 9 na taong gulang sa halip na 15 taon.

Ngayong araw ay sisimulan na ng House Committee on Justice sa pamumuno ni Rep. Salvador “Doy” Leachon ang pagdinig sa House Bill 505  kung saan dadalo rin si Arroyo. 

Layon ng panukala na amyendahan ang RA 10630 na nagbababa sa age of criminal liability ng bata sa siyam na taong gulang at pababa.

Ang nasabing panukala ay nakabinbin sa naturang komite simula pa Hulyo 27, 2016.

Bukod dito kinokonsidera rin ang House Bill 2009 na inihain ni Rep. Romeo Acop na nagre-reinstate sa criminal liability sa batang siyam na taon pataas na nakagawa ng heinous crimes.

Sa ilalim naman ng House Bill 505, ang isang batang siyam na taong gulang pababa nang panahon na magawa ang krimen ay exempt mula sa criminal liability. Habang ang 9 na taon pataas subalit 18 years old below ay exempted mula sa criminal liability maliban kung ginawa niya ito na may discernment.

Habang ang siyam na taong gulang at pababa naman ay maaaring ma-release sa kustodiya ng kanilang magulang o kamag-anak at subject sa community based intervention program na pinamamahalaan ng Social Welfare and Development, LGU at accredited NGO na monitored ng DSWD.

GLORIA ARROYO RDRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with