^

Bansa

Presyo ng petrolyo sisirit uli

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng petrolyo sisirit uli
Ayon sa ilang oil com­panies, posibleng maglaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang itataas sa presyo ng diesel, habang nasa P0.10 hanggang P0.20 ang increase sa kerosene.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Panibagong oil price hike ang aasahan nga­yong papasok na linggo.

Ayon sa ilang oil com­panies, posibleng maglaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang itataas sa presyo ng diesel, habang nasa P0.10 hanggang P0.20 ang increase sa kerosene.

Wala naman daw ina­asahang pagtaas sa presyo ng gasolina, pero sakaling meron man ay posibleng hanggang P0.10 lang kada litro.

Batay sa record ng Department of Energy (DoE) ito na ang ikatlong sunod na linggo ng oil price hike matapos ipag-utos ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) ang pagbabawas ng oil production.

Sa ngayon, higit 1,000 na mula sa 8,600 gasolinahan sa buong bansa ang nagpataw ng ikalawang round ng fuel excise tax.

Ayon sa DoE, nagpatupad  ng 2nd tranche ng excise tax ang natu­rang mga gasolinahan makaraang maubos na ang kanilang mga imbentaryo ng petrolyo na inangkat nila mula pa noong nakaraang taon.

Dahil dito, nadagdagan ng P2 ang kada litro ng gasolina at diesel habang P1 naman kada litro ng kerosene at “liquefied petroleum gas (LPG)”.  

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENERGY

OIL PRICE HIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with