^

Bansa

Pinas kakapusin sa flu vaccine

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pinas kakapusin sa flu vaccine
Ito ang isiniwalat ni dating Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases President Rontgene Solante kasabay ng babala ng World Health Organization (WHO) na posibleng kumalat muli sa buong mundo ang influenza o flu ngayong taon.
Cesar Ramirez

Bilang ng may trangkaso tumaas

MANILA, Philippines — Pinangangambahang kulangin o kapusin ang Pilipinas sa influenza vaccine o bakuna laban sa trangkaso.

Ito ang isiniwalat ni dating Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases President Rontgene Solante kasabay ng babala ng World Health Organization (WHO) na posibleng kumalat muli sa buong mundo ang influenza o flu ngayong taon.

Ayon kay Solante, ang pagbabakuna pa rin ang pinakamainam na paraan laban sa mga sakit na maaari namang maiwasan.

Subalit sa kakula­ngan ng flu vaccine ay dapat nang tutukan ng gobyerno ang pagbibigay lunas sa tumaas na bilang ng nagkaka-trangkaso.

Mayroon pa anyang hanggang Abril o Mayo ang bansa bago makatanggap ng mga karagdagang vaccine supply.

Samantala, idinagdag ni Solante na maaari pa namang gamitin ang mga nalalabing bakuna subalit kailangan nang maglatag ng hakbang ang Department of Health (DOH) sa tumataas na bilang ng mga pasyenteng nagkaka-trangkaso.

Inaasahan ng DOH ang mas maraming kaso ng flu o trangkaso simula ngayong Enero hanggang Marso o iyong tinatawag na “flu season.”

Ayon kay Health Assistant Secretary Lyndon Lee Suy, sa mga natu­rang buwan daw kasi ay malamig ang panahon, dahilan para lumakas ang virus na nagdudulot ng naturang sakit.

Ang trangkaso ay impeksiyon na sanhi ng mikrobyo, na karaniwang may kasamang lagnat, pangingiki, sakit ng ulo, panghihina ng katawan at pananakit ng kalamnan.

Ilan umano sa mga sintomas ng trangkaso ang lagnat na mas mataas pa sa 38°C, pananakit ng mga kalamnan at kasukasuan, ubo at sipon, pagbabara ng ilong, sore throat, giniginaw na may kasamang panginginig, pagpapawis, pananakit ng ulo at panghihina ng katawan.

Naipapasa umano ang trangkaso sa pamamagitan ng droplets ng laway na humahalo sa hangin kapag bumahing o umubo ang taong tinatrangkaso.

Puwede rin daw itong makuha sa mga bagay na nahawakan ng isang taong tinatrangkaso.

Ipinapayo ni Lee Suy ang pagpapahinga, pag-inom ng mga bitamina, pananatiling malinis (hygienic), at pagsusuot ng face mask para makaiwas sa trangkaso.

vuukle comment

NFLUENZA VACCINE

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with