^

Bansa

Mall tycoon Henry Sy pumanaw na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Mall tycoon Henry Sy pumanaw na
Yumao si Sy matapos hindi na ito magising sa pagtulog.

MANILA, Philippines — Pumanaw na ang pi­na­kamayamang tao sa Pilipinas at may-ari ng SM na si Henry Sy Sr. sa edad na 94.

Yumao si Sy matapos hindi na ito magising sa pagtulog.

“With deep sadness, I would like to inform the group that our beloved Chairman Tatang, Mr. Henry Sy Sr., passed away peacefully in his sleep early Saturday morning. Please pray for the eternal repose of his soul,” pahayag ni Steven Tan, SM Supermalls COO. 

Si Sy ay kinilala ng Forbes na pinakamayamang negosyante sa Pilipinas na mayroong estimated net worth na $19 billion.

Sinasabing ipinanga­nak si Sy sa isang mahirap na pamilya sa Ankhue Village sa Jinjiang City, Fujian, isang probinsiya ng China noong October 25, 1924 kung saan ang mga magulang niya ay sina Henry H. Sy at Tan O Sia.

Nagtapos siya ng kanyang secondary edu­cation sa Chiang Kai Shek College.

Nakuha naman niya ang Associate of Arts degree in Commercial Studies sa Far Eastern University noong 1950.

Taong 1958 ay nagsimula si Sy sa isang maliit lamang na shoe store sa Palanca St., Quiapo sa Maynila na siyang pinagmulan din ng higanteng SM Prime Holdings ngayon.

Noong November 1972, ang maliit na shoe store ay naging SM Quiapo, na siyang unang stand alone department store.

Noong 1985, itinayo niya ang unang SM Supermall at SM City North EDSA.

Mayroon din siyang 7 mall sa China.

Si Sy na binansagan ding taipan ay ilang beses ng kinilala bilang “Richest Man of the Year” sa Pilipinas.

Ginawaran siya ng Honorary Doctorate sa Business Management ng De La Salle University dahil sa pagiging pilantropo kabilang na ang programa niya sa mga “underprivileged and promising young Filipinos.”

Bukod sa stockholder sa ilang malalaking kompanya sa bansa, land developer at nasa larangan din ng real estate, hospitality, mining, education at health care, nagmamay-ari rin ito ng malalaking bangko tulad ng Banco de Oro at  China Bank.

Noong 2017, bumaba sa puwesto si Sy bilang chairman ng SM Investments Corporation. 

Samantala, nagpa­abot ng pakikiramay ang Malacañang sa pamil­ya Sy sa pagpanaw ng pinakamatagumpay na negosyante sa bansa.

vuukle comment

HENRY SY SR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with