^

Bansa

Ex-lady prosecutor utas sa ambush!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Ex-lady prosecutor utas sa ambush!
Kinilala ang nasawi sa pamamagitan ng kaniyang driver’s license na si Mary Ann Castro, 49.
The FREEMAN/Joy Terrejos

MANILA, Philippines — Patay ang kontro­bersiyal na dating Cebu City Assistant Prosecutor makaraang tambangan ng nag-iisang armadong salarin na lulan ng motorsiklo sa lungsod ng Cebu, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang nasawi sa pamamagitan ng kaniyang driver’s license na si Mary Ann Castro, 49.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7, nangyari ang pananambang sa kahabaan ng Escario St. bandang alas-9:53 ng gabi.

Minamaneho ng biktima ang kaniyang kulay dilaw na Nissan Juke patungong Capitol Area mula sa Cebu Business Park nang sundan ng suspek at pagbabarilin.

Si Castro na assistant prosecutor sa Office of the Cebu City Prosecutor sa loob ng 18 taon, ay nagtamo ng 5 tama ng bala.

Isa sa nasabing mga bala ay sumapol sa leeg ng biktima na naglagos sa baba nito na siya nitong ikinamatay.

Bunga ng pamamaril ay sumalpok pa sa GI sheets ang sasakyan ng biktima.

Ang insidente ay naganap sa kabila ng nasa full alert ang PNP kaugnay ng gaganaping pagdiriwang ng Sinulog festival sa Linggo.

Nabatid na si Castro ay naging kontrobersyal na prosecutor matapos na masuspinde ng dalawang beses bago ito nagbitiw sa puwesto noong Abril 2017.

Noong 2015 ay sinuspinde ng Korte Suprema si Castro ng anim na buwan dahil sa sobrang paggamit ng impluwensya nang humingi ng tulong sa pulisya dahil nakabili ng depektibong behikulo ang kapatid nito noong 2001.

Disyembre 2017, si Castro ay muling sinuspinde ng 90 araw ng Department of Justice matapos sampahan ng reklamo ng dati nitong mister na si Leodegreco “Greco” Sanchez kaugnay ng umano’y pakiki­pagrelasyon nito sa napatay na si SPO2 Adonis Dumpit.

Si Dumpit, isang da­ting close-in bodyguard ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña ay napatay ng mga awtoridad sa Tagbilaran City, Bohol noong Hunyo 27, 2018.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng krimen.

vuukle comment

MARY ANN CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with