^

Bansa

‘War zone’ report vs Philippines basura – Malacañang

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
�War zone� report vs Philippines basura � Malacañang
Sa naturang report ng non-government organization na nakabase sa Estados Unidos, isinama nito ang Pilipinas sa hanay ng iba pang mga bansa gaya ng Syria, Yemen, Afghanistan at Iraq.
Presidential Photo/Robinson Niñal

MANILA, Philippines — Tinawag na ignorante at bias ng Malacañang ang inilabas na 2018 report ng Armed Conflict Location and Event Data Project na nagbabansag sa Pilipinas bilang isang “war zone in disguise.”

Sa naturang report ng non-government organization na nakabase sa Estados Unidos, isinama nito ang Pilipinas sa hanay ng iba pang mga bansa gaya ng Syria, Yemen, Afghanistan at Iraq.

Sa statement ng Malacañang, sinabi nitong wala namang pinagbasehang matibay na ebidensiya ang naturang report at ang konklusyon nito’y kinuha lamang sa mga bulag na kritiko ng Duterte administration gaya ng Human Rights Watch, Amnesty International at iba aniyang partisan media outfits gaya ng Rappler, New York Times at Reuters.

Sinabi ng Palasyo na mapanlinlang ang natu­rang report at pinalalabas na isa ang Pilipinas sa mga pinakamapa­nganib na bansa dahil sa masidhing kampanya nito sa iligal na droga na maging ang mga ino­senteng sibilyan ay tinatamaan.

Binigyang-diin din ni Presidential spokesman Salvador Panelo, kung maituturing na peligroso man ang Pilipinas, ito ay sadyang delikado para sa drug manufacturers, dealers, adik, kriminal, mga terorista, korap at mga abusadong taong nasa kapangyarihan.

Maituturing din ang Pilipinas bilang isa sa mga may pinakamala­yang lugar sa larangan ng pamamahayag dahil malayang nakapamumuna at nakakabatikos ang mga kritiko ng admi­nistrasyon kahit walang anumang basehan at hindi kailanman inasunto sa korte.

vuukle comment

WAR ZONE IN DISGUISE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with