^

Bansa

Pension ng senior citizens dagdagan ng P1K – Bam

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Pension ng senior citizens dagdagan ng P1K � Bam
Sa kanyang Senate Bill No. 2142, inaatasan ang pamahalaan na magbigay ng social pension na P1,000 sa lahat ng senior citizens na walang social pension at ang mga tumatanggap ng pension na hindi lalampas sa P3,000.
Cesar Ramirez

MANILA, Philippines — Pinadagdagan ni Sen. Bam Aquino ng P1,000 ang social pension ng senior citizens bilang pagkilala sa napakahalaga nilang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa at para mabigyan sila ng dagdag na kita para kayanin ang mahal na presyo ng bilihin.

Sa kanyang Senate Bill No. 2142, inaatasan ang pamahalaan na magbigay ng social pension na P1,000 sa lahat ng senior citizens na walang social pension at ang mga tumatanggap ng pension na hindi lalampas sa P3,000.

Ayon kay Bam, sa pag-aaral na ginawa ng Coalition of Services of the Elderly (COSE), nakita na malaki ang ambag ng social pension sa kita ng isang pamilya.

Subalit nakita rin sa nasabing pag-aaral na 32 porsiyento ng 8 milyong senior citizens sa bansa ang tumatanggap lang ng social pension na P500 a month, habang 38% ang walang nakukuha na kahit anong pension.

Pagdating naman sa 1.5 milyong SSS pensio­ners, wala pa sa kalahati ang tumatanggap ng mahigit P3,400 kada buwan.

vuukle comment

SENIOR CITIZENS PENSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with