Itinakda ang pagdinig sa ?Enero 21, kaya umaasa si House Majority leader Rolando Andaya Jr. na sisipot na si Diokno para maipaliwanag ang panig niya sa nasabing isyu.
Geremy Pintolo
Diokno pinasisipot sa House
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa ikatlong pagkakataon muling inimbitahan ng House Committee on Rules si Budget Secretary Benjamin Diokno kaugnay sa imbestigasyon sa umano’y kwestyunableng alokasyon ng Department of Budget and Management (DBM).

Itinakda ang pagdinig sa ?Enero 21, kaya umaasa si House Majority leader Rolando Andaya Jr. na sisipot na si Diokno para maipaliwanag ang panig niya sa nasabing isyu.

Giit ni Andaya, sa halip na ipadala ang mga undersecretary at iba pang senior DBM officials para gisahin, dapat ay ang kalihim ang magpaliwanag dahil siya ang top decision maker sa kanyang departamento.

Kabilang umano sa anomalous practices ng DBM ay ang tinaguriang flood control scam kung saan nanghihimasok umano ang ahensiya sa ilang proyekto ng gobyerno.

Partikular na tinukoy ni Andaya ang pagbabayad umano ng DBM sa mga consultants para sa big-ticket infrastructure projects ng gobyerno sa ilalim ng Build, Build, Build program.

Noong nakaraang taon ay nagsilbing one-stop shop para sa consultancy firms ang Procurement Service ng DBM kung saan gumastos umano ang pamahalaan ng P37 billion.

BENJAMIN DIOKNO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with