Ayon kay Atty. Justin Batocabe, napagdesisyunan ng kanilang pamilya na ibigay ‘in tranches’ ang P50 milyong nakolektang reward sa mga suspek na unang sumuko na sina Christopher Naval alyas Tuping, Danilo Muella, Emmanuel Rosillo, Jaywin Babor at Emmanuel Judavar.
Ernie Peñaredondo/File
5 suspek sa Batocabe slay hati sa reward
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Gagawing hulugan ang ibibigay na reward money sa mga testigong nagbulgar ng pumatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Ayon kay Atty. Justin Batocabe, napagdesisyunan ng kanilang pamilya na ibigay ‘in tranches’ ang P50 milyong nakolektang reward sa mga suspek na unang sumuko na sina Christopher Naval alyas Tuping, Danilo Muella, Emmanuel Rosillo, Jaywin Babor at Emmanuel Judavar.

Ibibigay ang pera sa simula ng preliminary investigation, ang ikalawa ay sa finding of probable cause at ang pangatlo ay sa pagbaba ng hatol.

Sinabi ni Justin na hindi lang ang pamilya nila ang nagdesisyon kundi maging ang Kamara at PNP.

Nilinaw ng batang Batocabe na hindi kasama rito ang dalawa sa suspek na bumaril at nakapatay kay Batocabe na sina Henry Yuson at Rolando Arimado alyas RR.

Naglatag din ng mga kondisyon ang pamilya Batocabe na ibibigay ang reward money sa pamilya ng lima para gamitin sa kanilang seguridad, pang-araw araw na pangangailangan, at pag-aaral ng mga anak.

Pumayag din umano ang pamilya Batocabe na isailalim sa Witness Protection Program (WPP) ang pitong suspek.

Sinabi pa ni Atty. Batocabe na nagkaroon siya ng pagkakataon na i-cross examine ang mga suspek bilang siya ay abogado rin at lumalabas na si Daraga Mayor Carlwyn Baldo talaga ang utak sa pagpatay sa kanyang ama.

RODEL BATOCABE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with